Kadre todas sa engkuwentro
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi matapos na makaengkuwentro ang mga pulis at sundalo habang nangongotong ang mga rebelde sa Sitio Lapu-Lapu, Brgy. Poblacion sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng umaga.

Patuloy na kinikilala ang nasawing kadre habang nabawi ng mga pulis at sundalo ang isang shotgun, kalibre 38 revolver, isang motorsiklo, mga dokumento ng mga proyekto ng munisipyo at na P2,700 cas na pinaniniwalaang bahagi ng kita sa extortion activity ng mga rebelde sa bayan.

Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga, katuwang ang mga tauhan ng 96th Military Intelligence Company at 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army, nagsagawa ng law enforcement operations ang mga tauhan ng 503rd Police Mobile Force Batallion, Regional Intelligence 5 at Masbate Provincial Police Office sa pangunguna ni Major Alwin Magayanes nang makatanggap sila ng impormasyon na ilang armadong rebelde ang nangha-harass at nangingikil sa mga residente sa nasabing bayan.

Agad pinuntahan ng tropa ang lugar at papalapit pa lang ay pinutukan na sila ng limang armado dahilan para magkaroon ng palitan ng putok na umabot ng limang minuto hanggang sa tumimbuwang ang isang kadre.

Tumakas ang mga rebelde patungo sa iba’t ibang direksyon habang walang nasugatan sa tropa ng gobyerno.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with