Mister na-trap sa bahay na nasusunog, tepok
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Namatay ang isang mister makaraang makulong sa loob ng nasusunog niyang bahay sa Daleon St., Purok Magkakapatid, Torres Subdivision, Brgy. Ilayang Iyam, ng lungsod na ito, iniulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Rodelio Camacho, 40, may asawa ng nabanggit na lugar.

Bandang alas-6:10 ng gabi noong Sabado nang sumiklab ang sunog sa bahay ng biktima at dahil sa pagkataranta ay hindi na nakalabas at narinig na lamang na humihingi ng saklolo hanggang sa masuffocate at tuluyang mamatay.

Inaalam pa ng mga elemento ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog na tumagal ng isang oras na nakapaslang sa biktima at nagpaabo sa mga ari-arian nito na nagkakahalaga ng nasa P900,000.00.  

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with