Totoy tumilapon sa duyan, tigok
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Isang 10-anyos na totoy ang nasawi matapos na tumilapon sa isang duyan na nakakabit sa puno matapos mabagok ang ulo sa Brgy. Binalaw sa Calabangam, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Bicol Medical Center ang biktima na nakila­lang si Jose Arellano Jr., residente ng Brgy. Sta. Cruz Ratay.

Sa ulat dakong alas-5 ng hapon naglalaro ang biktima kasama ang isa pang bata sa duyan na nakakabit ang tali sa ilalim ng puno ng mangga. Gayunman, habang umiindayog sa duyan ang biktima nang biglang maputol ang patay na sanga ng puno kung saan nakatali ang kabilang dulo ng lubid dahilan para tumilapon ang bata at humampas ang ulo at katawan sa lupa.

Mabilis na isinugod ang bata sa ospital pero sa tindi ng sugat ng ulo dahil sa pagkakabagok ng lupa ay idineklarang patay.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with