Lider ng drug group, tiklo sa 600 gramo ng marijuana
Sa ulat sa tanggapan ni City DEU commander P/Capt. Alfred Andal, kinilala ang suspek na si Jhaymark Platero, 18-anyos, ng A. Santos Street, Brgy, Balibago ng lungsod.
Miguel de Guzman, file
Lider ng drug group, tiklo sa 600 gramo ng marijuana
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Naaresto ang sinasabing lider ng isang drug group matapos makuhanan ng nasa 600 gramo ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng Angeles City Drug Enforcement Unit (DEU) sa Brgy. Amsic, dito nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni City DEU commander P/Capt. Alfred Andal, kinilala ang suspek na si Jhaymark Platero, 18-anyos, ng A. Santos Street, Brgy, Balibago ng lungsod.

Nasamsam kay Platero, ang nasa 600 gramong dahon ng marijuana na may street value na P72,000 at marked money na ginamit sa buy-bust.

Ang nahuling suspek ay isa sa lider ng apat na drug suspect kabilang ang isang menor-de-edad na babae na naunang nahuli sa sa drug operation sa Brgy, Malabanias noong Agosto 3, 2020 kung saan nakasamsam ang awtoridad ng may 24.4 kilong marijuana na nagkakahalaga ng ?2.1 milyon na personal na iprinisinta ni Angeles City Police Office (ACPO) director P/Col. Joyce Patrick Sangalang kay Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with