4 âtulakâ huli sa higit P1 milyong shabu
Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 commander P/Major Aris Gonzales,kinilala ang mga suspek na sina John Tiatco, 31, high value target ng PNP at residente ng Henzonville, Brgy Malabanias; Rosalie Santos 29, Brgy Amsic, Marvin Ayson, 40, alias “Marvin”, nasa drug watchlist ng pulisya, ng Brgy. Sta Trinidad at Mauto Maotante, 36, taga-Brgy. Lourdes Sur ng lungsod.
STAR/ File
4 ‘tulak’ huli sa higit P1 milyong shabu
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY , Philippines — Arestado ang apat na hinihinalang drug pusher matapos masamsaman ng mahigit P1-mil­yong halaga ng shabu sa magkahiwalay na ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Balibago, dito noong Biyernes ng gabi at Sabado ng mada­ling araw.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 commander P/Major Aris Gonzales,kinilala ang mga suspek na sina John Tiatco, 31, high value target ng PNP at residente ng Henzonville, Brgy Malabanias; Rosalie Santos 29, Brgy Amsic, Marvin Ayson, 40, alias “Marvin”, nasa drug watchlist ng pulisya, ng Brgy. Sta Trinidad at Mauto Maotante, 36, taga-Brgy. Lourdes Sur ng lungsod.

Sa report, isang pulis ang nagsilbing poseur buyer. Nang magpositibo ang tran­saksyon, agad na dinakma ng mga pulis ang mga suspek habang nagkakaabutan ng droga. Nasamsam sa kanila ang nasa 160 gramo ng hinihinalang shabu na may street value P1,080,000.00 at marked money na ginamit sa buy-bust.

ARIS GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with