Pulis na senglot nagwala, arestado
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Kalaboso ang isang lasing na pulis matapos arestuhin ng kanyang hepe makaraang walang habas na nagpaputok sa kanilang police station sa Brgy. Bayombon, Masbate City, Masbate kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si P/Staff Sgt. Raul Limates Assuncion, 44-anyos, may-asawa ng Brgy. Pating, nasabing lungsod at nakatalaga sa Police Community Precinct 5 ng Masbate City Police.

Sa ulat, simula alas-4 ng hapon ay inabot hanggang gabi sa pakikipagtomaan si Limates sa kanyang kabarong si Cpl. John Kenneth Martinez.

Gayunman, nang malasing pinagsabihan si Limates ng kanyang team leader na si P/Master Sgt. Alfredo Ulanday pero dahil sa kalasingan ay minasama ito ng una kaya nagpaputok gamit ang kanyang M16 armalite rifle at kalibre 45 baril dahilan para arestuhin na siya ni Ulanday.

RAUL LIMATES ASSUNCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with