^

Probinsiya

Salpukan ng van at kotse: 8 malubha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Walo katao na karamihan ay magkakamag-anak ang malubha matapos magsalpukan ang isang van at kotse sa national highway ng Brgy. Imelda, Naguilian, La Union noong Biyernes.

Sa report na nakarating kay P/Major Judy Calica, hepe ng Naguilian Police Station, pauwi sa Benguet galing makipaglibing ang mga sakay ng van na minamaneho ni Joel Pandalogan, 34-anyos, nang umano’y mang-agaw ito ng linya at nakasalpukan ang kotse ni Hans Busacay, 35, na taga-Baguio City dakong alas-9:45 ng gabi.

Isinugod ang dalawang drayber kasama ang mga pasahero ng van na sina Mario Tacloy, 56-an­yos; Alicia Daping, 54; Noezilyn Osias, 49; Alencio Quilles, 35; Ramon Tucnoy, 38, at Jonalyn Tucnoy, 28, sa Naguilian District Hospital subalit kalaunan ay inilipat sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union dahil sa maselan nilang kalagayan.

POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with