Pulis-Bulacan tiklo sa extortion
Ayon kay Brig.Gen. Ronald Lee, hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group, si Master Sgt. David Gatchalian ay inaresto sa harap ng kanyang bahay sa Mendoza St., Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan dakong alas-6:45 ng Sabado ng gabi sa inilatag na entrapment operation.
STAR/File
Pulis-Bulacan tiklo sa extortion
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2020 - 12:00am

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Isang pulis na naka destino sa Bocaue police station na sangkot umano sa robbery-extortion ang inaresto ng Anti-Scalawag Unit ng Philippine National Police nitong Linggo.

Ayon kay Brig.Gen. Ronald Lee, hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group, si Master Sgt. David Gatchalian ay inaresto sa harap ng kanyang bahay sa Mendoza St., Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan dakong alas-6:45 ng Sabado ng gabi sa inilatag na entrapment operation.

Napag-alaman na isinasangkot si ­Gatchalian sa umano’y pananakot at pangingikil ng pera sa mga drug personalities sa nasabing bayan kapalit ng ibibigay nitong proteksyon sa kanilang drug activities.

Naaresto ang suspek matapos na tanggapin nito ang P10,000 boodle money at Samsung phone mula sa isang umano’y kinikikilan nito.

EXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with