^
Coast Guard naka-'red alert', Jolo naka-lockdown matapos ang Sulu blasts
Makikitang binubuhat ng mga otoridad ang katawan ng ilang nabiktima ng mga nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu kanina, ika-24 ng Agosto, 2020
AFP/Nickee Butlangan

Coast Guard naka-'red alert', Jolo naka-lockdown matapos ang Sulu blasts

(Philstar.com) - August 24, 2020 - 6:26pm

MANILA, Philippines — Doble-kayod ngayon sa pagpapatrolya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa buong Southwestern Mindanao region kasunod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu ngayong araw na pumatay sa mahigit-kumulang 11 katao na, Lunes.

"Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George V Ursabia Jr has declared ‘red alert’ in the entire region of Southwestern Mindanao to include Zamboanga, Basilan, Sulu, and Tawi-tawi," sabi ng PCG sa isang pahayag kanina.

"Moreover, PCG K9 units, safety inspectors, and patrol boat operators are directed to be extra vigilant in securing ports, harbors, and other waterways in the region. Several K9 units of the Coast Guard are also ready for deployment as soon as requested by the AFP."

PCG PRESS STATEMENT: Following two explosions that transpired in Jolo, Sulu today, 24 August 2020, Philippine Coast...

Posted by Philippine Coast Guard on Monday, August 24, 2020

Bandang 11:53 a.m. nang maiulat ng Philippine National Police (PNP) ang pagsabog sa isang grocery sa Baranggay Walled, bagay na sinundan naman ng ikalawang pagsabog noong hapon sa kabilang kalsada.

Sinasabing gumamit ng improvised explosive device (IED) upang isagawa ang nasabing pag-atake, na ginawa diumano ng mga pinaghihinalaang teroristang Abu Sayyaff.

Sa ulat ng News5, sinasabing 11 na ang nasawi sa insidente kung saan apat ang sibilyan, anim ang sundalo habang isa naman ang pulis. Tinatawang nasa 40 na ang sugatan sa ngayon, ayon kay Jolo Mayor Kherkar Tan.

Ayon pa sa PCG, tutulong ang kanilang pwersa sa pagpapatindi ng imbestigasyon ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP). Tutulongh din sila aniya sa pagpagtukoy sa mga may-sala at tutugon sa mga posible pang pag-atake na maaari aniyang tumarget pa ng ibang sibilyan.

Jolo naka-lockdown

Magpapatupad na rin ng "total lockdown" sa Jolo kasunod ng mga pambobomba, ayon sa pahayag ng kanilang municipal government.

"Total Lock Down in the Municipality of Jolo shall be implemented starting today, 24 August 2020, due to the recent twin bombing in downtown Jolo," wika ni Tan. Dagdag pa niya, babawiin lang ito oras na matapos na ang mga imbestigasyon.

"Cancellation of entry and exit to and from Jolo shall be strictly enforced except on some special cases."

Nagpaabot na ng kanilang pakikiramay sa nangyari ang Palasyo lalo na't nasawi ang marami: "We likewise condole with the families and loved ones of those who died in these tragic incidents," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang pahayag.

"Authorities are now conducting an investigation, which includes identifying individuals or groups behind these dastardly attacks." — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

BOMBING JOLO PHILIPPINE COAST GUARD SULU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with