Jolo niyanig ng 2 pagsabog; bilang ng patay kinukumpirma pa
Pinagtutulungang buhatin ang biktima na ito matapos madamay sa nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu, ika-24 ng Agosto, 2020
Mula sa Facebook page ng Tausug Himumungan
Jolo niyanig ng 2 pagsabog; bilang ng patay kinukumpirma pa
James Relativo (Philstar.com) - August 24, 2020 - 2:04pm

MANILA, Philippines (Update 1, 2:50 p.m.) — Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP), Lunes, ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu simula ngayong umaga.

Sinasabing nangyari ang pagsabog sa may Plaza Rizal sa tapat ng Paradise Grocery sa Barangay Walled City, bagay na sinundan ng ikalawang pagsabog sa kabilang dako ng kalsada.

"PNP Chief, Police General Archie Francisco Gamboa has directed the PRO BAR under PBGen Manuel Abu to secure the area and expedite investigation and make all perpetrators accountable before the law following the explosion incident that transpired at Jolo, Sulu today at about 11:53AM," wika ng PNP sa isang pahayag.

Nangyari ang ikalawang pagsabog habang nagsasagawa ng "sweeping" ang otoridad sa erya ng unang pinagsabugan.

Sa mga inisyal na ulat na inilabas ng ONE News, sinasabing nasa lima na ang casualties ng mga nasabing pagsabog. Gayunpaman, wala pang inilalabas na opisyal na datos ng casualty ang PNP.

"Sa ngayon, wala pa tayong definite na bilang ng mga biktima ng mga pagsabog," wika ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa panayam ng dzBB.

Agad naman daw rumesponde ang mga elemento ng Jolo Municipal Police Station para ilikas ang mga nadamay sa nasabing pagsabog.

Aniya, tinitiyak na rin daw ng mga otoridad ang kaligtasan ng mga residente sa posibilidad ng iba pang "secondary devices."

"As of now, number of victims were still unidentified while ivestigations are underway to possibly identify the suspect/s behind this incident," panapos ng PNP.

Kinundena na rin ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ang nasabing insidente.

Aniya, nawa'y matunton daw ng Joint Taskforce (JTF) Sulu ang mga sabing salarin at dalhin sila sa kamay ng hustisiya.

"This is a sad reminder why we need to fight terrorism in the Philippines. I sad it before and I say it again, terrorism is a clear and present danger in our country," sambit niya.

— may mga ulat mula kay Franco Luna, News5/Pat Mangune at ONE News

EXPLOSION JOLO MINDANAO PHILIPPINE NATIONAL POLICE SULU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with