Wanted kumasa sa raid, todas
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Nauwi sa palitan ng putok ng baril ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng pulisya laban sa isang Top 7 Sibat target person sa Sitio Hadrian, Brgy. Balibago, dito noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 4 commander P/Major Aris Gonzales, kinilala ang napatay na suspek na si Allan Partosa, residente ng Sto. Nino sa nasabing barangay.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang makarating sa lugar ang mga arresting officer bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte upang isilbi sa suspek ngunit nang makahalata ay agad niyang pinutukan ng dalang baril ang mga operatiba sanhi ng engkuwentro na nagresulta sa agarang pagkamatay ng huli.

Nasamsam sa lugar ang isang cal. 38 baril na may kasamang bala at tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

ARIS GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with