^

Kubo nabagsakan ng puno: Ama tigok, 3 anak malubha

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines —  Patay ang isang tatay at malubhang nasugatan ang tatlo niyang anak matapos silang madaganan ng nabuwal na punongkahoy habang nasa loob ng kanilang kubo nang tumama ang malakas na ulan at ha­ngin sa hangganan ng Magpet at Kidapawan City, kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Edwin Bayawan habang sugatan ang mga anak na sina Jessie, 23-anyos; Jerome, 24 at Jigger 15, mga residente ng Brgy. Ilomavis, Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Officer Psalmer Bernalte, habang kasagsagan ng ma­lakas na ulan at hangin at mahimbing na natutulog ang pamilya Bayawan nang biglang nabuwal ang malaking punongkahoy at nabagsakan ang kubo sa may sakahan sa paanan ng Mount Apo na sakop na ng Magpet dakong alas-10:00 ng gabi. Patay agad si Bayawan nang maipit sa malaking puno habang sugatan ang kanyang tatlong anak. Pahirapan ang pagkuha ng bangkay at mga sugatan dahil nasa tuktok ito ng bundok at umabot pa ng walong oras nang maibaba sila sa Kidapawan City.

DISASTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with