Sabayang patak kontra polio pinalawig
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines — Pinalawig hanggang sa Setyembre 20 ang pagsasagawa ng pagpapatak ng poliovirus vaccine sa mga batang Bulakenyo upang hindi dapuan ng sakit na polio sa ilalim ng programang “sabayang Patak Kontra Polio na pinangunahan ni Health Sec. Francisco Duque III.

Partikular na kasali rito ang mga batang bagong panganak hanggang 59 buwan o katumbas ito ng edad na limang taon pababa.

Nabatid na naitigil  ang pagbibigay ng polio vaccine sa mga bata na nagsimula noong Aogost 3 at dapat sana ay hanggang Agosto 9 nang kasamang isailalim ang lalawigan sa modified enhanced community quarantine. 

Kaya’t sa muling pagpapatuloy nito, ang bilang na 390,692 ng mga batang papatakan ay katumbas ng 78 porsyento na target ng Provincial Health Office o PHO.

Ngayong nakapailalim na sa General Community Quarantine ang Bulacan, tuloy na ang dalawang rounds na gagawing sabayang patak. Ang una ay mula Agosto 19 hanggang 23 habang ang ikalawang round ay mula sa Setyembre 7 hanggang 20.

Ayon sa convenor ng Relief Internatio­nal na si Kala Sta. Barbara na tumutulong ng info drive sa Polio, dapat isagawa pa rin ang Saba­yang Patak kontra Polio sa kabila ng pandem­yang COVID-19 dahil habang naaantala aniya ang pagpapatak, lalong kakalat ang Polio at dadami ang mga batang walang proteksyon laban dito.

Katuwang ng PHO sa kampanyang ito ang World Health Organization at United Nations Children’s Fund partikular sa pagsasanay ng mga health workers sa tama at ligtas na pagbabakuna sa gitna ng pandemya. 

POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with