Bahay nasunog: 4 miyembro ng pamilya patay
Kinilala ang mag-asawang natusta na sina Ador Ayagud, misis na si Juliet habang ‘di tinukoy sa ulat ang pa­ngalan ng dalawang nasawing menor-de-edad.
PM/File
Bahay nasunog: 4 miyembro ng pamilya patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng isang pamilya ang patay kabilang ang dalawang menor-de-edad matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. 22, Cagayan de Oro City nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mag-asawang natusta na sina Ador Ayagud, misis na si Juliet habang ‘di tinukoy sa ulat ang pa­ngalan ng dalawang nasawing menor-de-edad.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 10 director, Brig. Gen. Rolando Anduyan, dakong alas-8 ng umaga nang magresponde sa nasunog na bahay sa Zone 3, Brgy. 22 ang mga elemento ng Police Station 3 sa pamumuno ni Captain Julius Saluta.

Sa imbestigasyon, ang insidente ay inireport nitong Sabado lamang ng umaga ng tserman sa lugar dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa nasunog na bahay ng mag-asawa na maraming nagliliparang bangaw o malalaking langaw.

Lumilitaw na nangyari ang sunog noong Agosto 12 dakong alas-9 ng gabi pero dahil walang pakialam ang mga kapitbahay kaya hindi ito agad naireport sa mga awtoridad.

“Bureau of Fire Protection and PNP investigators then searched the area and later found four dead bodies today,” pahayag kahapon ni Cagayan de Oro City Police director Colonel Henry Dampal.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na kumitil sa buhay ng nasabing pamilya.

PATAY SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with