^

Probinsiya

Food delivery rider tiklo sa 1-kilong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang delivery rider ng Food Panda matapos mahulihan ng mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sambag 1, Cebu City nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7 director, Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, kinilala ang suspek na si Baltazar Eranes Jr., 40-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Ermita, Cebu City.

Bandang alas-3:20 ng hapon nang masakote ng pinagsanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7,  Regional Special Enforcement Team at Drug Enforcement Group ng PRO7 ang suspek sa buy-bust operation sa kahabaan ng J. Alcantara Street, Brgy. Sambag ng lungsod.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos na mahuli ng mga ­operatiba sa akto habang iniaabot sa poseur buyer ang isang vacuum-sealed transparent plastic pack na naglalaman ng mahigit nasa 1 kilong shabu.

Pero paliwanag ng suspek, hindi niya batid kung ano ang laman ng package na kanyang ide-deliver. Sa rekord ng pulisya si Baltazar ay dati na ring naaresto sa kasong robbery na nakalaya matapos na magpiyansa noong 2007.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with