^

Probinsiya

Buy-bust nauwi sa shootout: 3 todas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust nauwi sa shootout: 3 todas
Sa ulat, alas-2:35 ng madaling araw nang ikasa ng Intel-operatives at Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police ang buy-bust laban sa magkasamang suspek na sina Jonathan Catubay alias “Tantan”, at alias “Nelson” sa Brgy. San Nicolas 1.
STAR/ File

CAVITE , Philippines — Tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang patay matapos mauwi sa shootout sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Bacoor at bayan ng Alfonso, lalawigang ito kahapon.

Sa ulat, alas-2:35 ng madaling araw nang ikasa ng Intel-operatives at Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police ang buy-bust laban sa magkasamang suspek na sina Jonathan Catubay alias “Tantan”, at alias “Nelson” sa Brgy. San Nicolas 1.

Nakatunog umano ang dalawa na pulis ang ka-deal kung kaya agad na kumaripas ng takbo patakas habang nakikipagbarilan sa mga pulis sanhi upang sila ay bumulagta.

Kasabay nito, dead-on-the spot din ang drug suspect na si Ricardo Alano alias “Ding”, 52, ng Brgy. H2, Dasmariñas City matapos umanong makipaghabulan at makipagpalitan ng putok sa Intel operatives ng Alfonso Police.

Alas-4 ng madaling araw nang makipag-deal si Alano sa poseur buyer sa Brgy. Kaytitinga 3, Alfonso. Nakatunog ang suspek na pulis ang katransaksyon, sanhi ng engkuwentro habang nakatakas ang isa pa na naghihintay sa suspek sa ‘di kalayuang lugar sakay ng itim na Toyota Sedan.

vuukle comment

DRUG ENFORCEMENT UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with