5 SAP beneficiaries, 18 pa tiklo sa sugal
MANILA, Philippines — Nasa 23 sugarol kabilang ang limang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) at apat na wanted persons ang nalambat sa inilatag na magkahiwalay na police operation sa Bulacan, iniulat ng isang opisyal kahapon.
Ayon kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, director ng Bulacan Police Provincial Office, isinagawa ang mga naturang operasyon ng Norzagaray, Bocaue, Pandi, Malolos, Meycauayan Police Stations at Bulacan Second Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Sa ulat, 14 sa mga suspek kabilang ang limang SAP beneficiaries na sina Emma Atencio, Nena Odevilas, Reynalyn Buldas, Bibiana Leogan at Melita Corpus ay dinakip nang maaktuhang naglalaro ng sugal na “Tong-its” sa Pandi, Norzagaray, San Rafael at Bocaue.
Samantala, ang 9 pang katao na dinakip ay naaktuhang naglalaro ng sugal na Mahjong sa Malolos at Meycauayan.
- Latest