^

Probinsiya

Kawatan natunton sa cellphone na may GPS

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Arestado ang isa umanong magnanakaw na nambiktima ng isang Chinese national matapos matunton ng mga awtoridad dahil sa tinangay na cellphone na may Global Positioning System (GPS) sa Ilagan City ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Rolly Pineda, 38, at nakatira sa Brgy. Cabannungan 2nd ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Ilagan City Police, humingi ng tulong si Wu Liangsheng, 30, civil engineer at residente ng Francisca Village, Barangay Baligatan sa nasabing siyudad matapos siyang pasukin ng isang lalaki at tangayin ang kanyang pera na nasa P200,000, pitaka na may lamang P10,000 at dalawang cellphone. Tinutukan umano siya ng patalim ng suspek habang siya ay naka-home-based na nagtratrabaho sa loob ng kanyang apartment dakong alas-11:45 ng tanghali.

Natunton agad si Pineda ng pulisya sa pamamagitan ng ninakaw nitong cellphone ng biktima na may GPS na siyang nagturo sa eksaktong kinaroroonan nito sa nasabing lugar.

Matapos mabawi ang lahat na tinangay ng suspek, ibinunyag naman nito na kasabwat niya ang driver at kasambahay ng biktima sa pagpaplano umano ng pagnanakaw na isinasailalim na sa masusing pagsisiyasat.

vuukle comment

GPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with