^

Probinsiya

DJ ng FM station sa Sorsogon itinumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Bulagta ang binatang disc jockey ng FM radio station sa Sorsogon City matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong lalaki malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Managa-Naga sa Bulan, Sorsogon noong Huwebes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Bulan Medicare Hospital makaraang mapuruhan ng mga punglo sa ulo at katawan ang biktimang si Ric Ian Ferolino De Leon, 29-anyos, kilalang DJ ng Padaba FM-Station at residente ng nasabing barangay.

Dakong alas-6:30 ng gabi pagkatapos maghapunan ay lumabas ang biktima sa kanilang bahay at pinuntahan ang nakaparadang motorsiklo sa tabi ng kalsada. Dito na siya nilapitan at agad na pinagbabaril ng isang nakaabang na gunman na nakasuot ng bull cap at face mask saka mabilis na naglakad papasok sa isang eskinita na pinaniniwalaang may iba pang kasamang naghihintay.

Ayon kay Lt. Col. Joel Triñanes, hepe ng Bulan Municipal Police Station, ilang sandali bago dumating si De Leon sa kanilang bahay ay napansin na ng ilang residente ang suspek na palakad-lakad sa lugar. Walong basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang natagpuan sa crime scene.

Sinabi ng mga kaanak na wala umanong kaaway ang biktima pero isa sa tinututukang anggulo ng pulisya ay ang kasong kinasangkutan ng huli noong Setyembre 2018 na may dalawa siyang nabaril sa kanilang bayan na ang isa ay naareglo habang ang isa ay naisampa ang kaso.

vuukle comment

DJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with