^

Probinsiya

DOH iminungkahi na isailalim ang Cavite, Laguna at Rizal sa ECQ

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
DOH iminungkahi na isailalim ang Cavite, Laguna at Rizal sa ECQ
Ayon kay Dr. Eduar­do Janairo, DOH Direc­tor 4-A, naniniwala umano ito na kailangan pa ng 1 buwang ECQ ang tat­long lalawigan upang hindi na kumalat pa ang nasabing virus at tuluyan itong mapigilan.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nais isailalim ng Department of Health sa 1 buwang enhance community quarantine (ECQ) ang 3 lalawigan sa CALABARZON dahil sa may pinakamatataas na kaso ng Covid-19.

Ayon kay Dr. Eduar­do Janairo, DOH Direc­tor 4-A, naniniwala umano ito na kailangan pa ng 1 buwang ECQ ang tat­long lalawigan upang hindi na kumalat pa ang nasabing virus at tuluyan itong mapigilan.

Bukod umano dito, kailangan ding ipatupad sa mga kumpanya ng bawat lalawigan partikular na sa Philippine Economic Zone o PEZA ang masinsing pagsunod sa mahigpit na protocol dahil ang 60 porsyento ng mga nahawa ay nagmula sa mga manggagawa sa PEZA.

Umalma ang mga ma­mamayan ng 3 lalawi­gan lalo na sa Cavite hinggil sa gutom na umano ang magiging dahilan ng kanilang panghihina at tuluyang pagkamatay kung sakaling magpatuloy ang nasabing pagpapatupad ng ECQ.

Pero ayon sa DOH na isang mungkahi pa lamang ito upang hindi na umano tumaas pa ang kaso sa mga nasabing probinsya.

vuukle comment

COVID-19

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with