^

Probinsiya

Mall, grocery stores sa Baguio obligado na sa COVID-19 test

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Mall, grocery stores sa Baguio obligado na sa COVID-19 test
Sa tala, umakyat na sa 69 ang active COVID-19 cases sa Baguio City at lima na ang namatay sa virus.
The STAR/Artemio Dumlao, file

Matapos magpositibo ang 14 manggagawa sa virus

BAGUIO CITY, Philippines — Ini­utos kahapon ni City Mayor Banjamin Maga­long ang “mandatory CO­VID-19 testing” sa lahat ng nagtatrabaho sa mga department stores at groceries sa lungsod.

Ito ay kasunod sa man­­datory COVID-19 tes­ting­ din na ipinatupad rin sa mga empleyado ng bangko na gagastusan ng kanilang kompanya.

Ayon kay Magalong ang naturang hakbang ay upang matiyak na wa­lang manggagawa na nagtatrabaho na may dalang virus at maiwasan ang pagkalat ng sakit kasunod ng ulat na “clustering of cases” ng isa sa mga grocery stores sa lungsod.

Nabatid na isinagawa ang pagsusuri sa lahat ng empleyado ng nasabing grocery store nitong Agosto 8 at sa 64 na manggagawa ay 14 dito ang nagpositibo sa COVID-19.

Iginiit ni Magalong na isang itong senyales na ang mga manggagawa sa nasabing sektor ay mabilis na magkahawaan na kailangang bigyan ng agarang aksyon.

“Just like what we did with the banks, we will send a letter to all supermarkets and grocery stores requiring management to subject all employees to swab tests at their expense,” pahayag ni Magalong.

Naunang ni-require ng alkalde ang mga bangko na pinapasok ng mga tao ang kanilang person­nel na sumailalim sa Re­­verse Transcriptase-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests na agad tumalima kung saan na­diskubre ang mga karagdagang infections sa kanilang hanay na umaabot na ngayon sa mahigit 30 cases.

Sa tala, umakyat na sa 69 ang active COVID-19 cases sa Baguio City at lima na ang namatay sa virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with