^

Probinsiya

8 vendors, marshal sa Bacoor market may COVID -19

Cristina Timbang, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
8 vendors, marshal sa Bacoor market may COVID -19
Inilagay na sa critical zone ang nasabing palengke nang magpositibo sa swab test ang unang 9 sa 200 vendors, market marshals at tenants na sinuri ng health authorities.
Edd Gumban

CAVITE, Philippines — Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang Bacoor City Public Market sa Zapote ng isang linggo simula Agosto 11 hanggang Agosto 18 matapos na walo sa mga vendors at isang marshal ng palengke ang nagpositibo sa COVID-19.

Inilagay na sa critical zone ang nasabing palengke nang magpositibo sa swab test ang unang 9 sa 200 vendors, market marshals at tenants na sinuri ng health authorities.

Pinangangambahan ng City Health Office (CHO) na madaragdagan pa ang mga tinamaan ng virus sa oras na lumabas lahat ang resulta ng swab test sa mga vendors na halos araw-araw na magkakasalamuha sa palengke.

Nabatid na Agosto 7 nang ipasailalim sa malawakang swabbing or sample collection ng CHO ang may 200 vendors, stall tenants at marshalls ng public market na isinagawa sa Zapote Elementary School.

Nang lumabas ang unang resulta, 9 agad sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19 na kinabibilangan ng apat na vendors sa main market, isang marshal at isang vendor sa Anayo market, isang vendor sa Ocampo market at dalawang ambulant vendors na nakapuwesto sa labas ng palengke.

Nagsasagawa na ng malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagposi­tibo kabilang ang kanilang pamilya at kanilang mamimili o suki sa palengke.

Sa tala, umakyat na sa 945 ang kumpirmadong kaso sa Bacoor, 435 dito ang aktibo, 465 ang nakarekover, 45 ang namatay at 88 pa ang suspected cases.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with