^

Probinsiya

Wanted kumasa sa raid: 4 utas, pulis sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na sibilyan ang patay habang isang pulis ang sugatan nang manlaban at walang habas na namaril ang isang wanted person na sisilbihan ng warrant of arrest sa ginawang pagsalakay sa kanyang lungga sa Zamboanga City kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patti Abdurahim, Tato Saliento, Jamiri Abdurahim at Abdulbakil Abdurahim, mga residente ng Brgy. Recodo, Zamboanga City.

Ginagamot naman sa ospital dahil sa tama ng bala sa ulo si P/SSg. Larry Balasabas habang nakatakas ang target sa operasyon ng pulisya na si Nurhassan Jalao.

Nabatid na nagkasa ng pagsalakay laban kay Jalao ang Zamboanga City Police Station 9 sa Purok 6, Barangay Recodo, Zamboanga City kahapon ng mada­ling araw.

Ayon kay P/Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Regional Police Office 9, isisilbi lang sana ng mga pulis ang warrant of arrest sa suspek na si Jalao nang biglang bumunot ng baril ang huli at pinagbabaril ang mga pulis at bystanders. Minalas na tamaan ng bala sa ulo si Balasabas, at dalawang sibilyan na agad na nasawi sa insidente.

Habang papatakas ang suspek ay namaril pa rin siya na ikinamatay ng dalawa pang residente sa lugar. Tinutugis na ng pulisya si Jalao.

vuukle comment

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with