^

Probinsiya

12 pulis-Bicol nagpositibo sa COVID-19

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
12 pulis-Bicol nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ni Col. Marlon Tejada, provincial director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), na sa 21 ang bagong kasong naitala ng DOH-5 sa rehiyon kung saan 12 dito ay mga pulis na nakatalaga sa lalawigan.
STAR/Edd Gumban, file

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Labindalawang miyembro ng Police Regional Office 5 sa Bicol ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na ipalabas ng Department of Health (DOH)-5 ang resulta ng kanilang swab test noong Linggo ng gabi.

Kinumpirma ni Col. Marlon Tejada, provincial director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), na sa 21 ang bagong kasong naitala ng DOH-5 sa rehiyon kung saan 12 dito ay mga pulis na nakatalaga sa lalawigan.

Ayon kay Col. Tejada, 11 sa mga pulis ay kasapi ng CNPPO habang ang isa ay nakatalaga sa PNP Anti-Cyber Crime Unit 5. Lahat sila ay dumaraan sa schooling sa Regional Training School 4 sa Camp Nakar sa Lucena City pero pinauwi sa lalawigan makaraang ma-expose sa isa nilang classmate na nagpositibo sa COVID-19 mula sa lalawigan ng Cavite.

Gayunman, pinawi ni Tejada ang pangamba ng mamamayan nang sabi­hing lahat ng nagpositibong pulis ay 12-araw nang naka-isolate at nasa loob ng quarantine facility bago pa lumabas ang resulta at hindi na sila pinauwi sa kanya-kanyang pamilya simula nang dumating mula sa Lucena City. Sinigurong wala umanong na-expose o nakasalamuha ang mga pulis.

Ang Bicol ay nakapagtala na ng 676 kaso ng Covid-19. Sa naturang bilang, 378 ay aktibong kaso, 281 ang nakarekober habang 17 na ang namatay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with