^

Probinsiya

2 mangingisda inabutan ng bagyo sa karagatan, nasagip sa Bataan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 mangingisda inabutan ng bagyo sa karagatan, nasagip sa Bataan
Ang dalawang mangingisda na na-rescue ng KARPA II Security Services ng Bataan matapos magpalutang-lutang at mapadpad sa karagatan nang mawasak ang kanilang bangka dahil sa bagyo kamakalawa.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Dalawang nawawalang mangi­ngisda na inabutan ng hagupit ng bagyo sa gitna ng karagatan mula sa Naic ang nasagip ng mga awtoridad matapos mawasak ang kanilang bangka at mapadpad sa karagatang sakop ng Bataan kamakalawa.

Nakilala ang mga na-rescue na sina Bobit Jandog at John Paul Lyson kapwa mangingisda at residente ng Naic, Cavite.

Sa salaysay ng dalawa, nawasak ang kanilang bangka nang hampasin ito ng malala­king alon sa kasagsagan ng bagyong “Enteng” na ikinalubog nito habang sila ay nangingisda sa karagatan ng Naic sa Cavite. Pilit anila silang nagpalutang-lutang sa karagatan hanggang sa mapadpad sa matapos sa karagatan ng Bataan at dito na sila namataan ng mga mieymbro ng KARPA II Security Services ng Bataan kaya sila nasagip. 

Matapos ma-rescue, agad na nakipag-ugnayan ang Mariveles-DRRMO sa Naic local government upang maiuwi ang dalawang mangingisda.

Nabatid na nagpumilit na pumalaot ang dalawa sa kabila ng masungit na panahon upang manghuli ng isda na pangkain ng kanilang pamilya.

MANGINGISDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with