^

Probinsiya

2 bata lasog sa road mishap

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa nagkalasug-lasog ang dalawang batang lalaki nang mabangga sa magkahiwalay na aksidente sa Nabua, Camarines Sur at Labo, Camarines Norte kamakalawa.

Unang nasawi si Willard Elanza De Silva, 10-anyos ng Zone-6, Brgy. San Antonio Poblacion, Nabua, Camarines Sur matapos na mabangga ng Mitsubishi L300 van (KBY-9575) na minamaneho ni Alfie Vallejos Tuyor, 36-anyos at residente ng Brgy. Tinawagan, Tigaon.

Sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga mabilis na binabagtas ng van ang kahabaan ng Mahar­lika National Highway sa nasabing barangay nang mabangga ang tumatawid na biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada ang batang si De Silva at sinubukan pang isugod sa Medical Mission Group Hospital pero hindi na umabot nang buhay. Samantala, dead-on-the spot ang 5-anyos na si Carl Ivan De Castro ng Purok-1, Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte matapos na mabangga ng Isuzu truck na minamaneho ni Conrad Bataller Asis, 36, habang papatawid sa highway. Parehong nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang dalawang nakabanggang driver.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with