^

Probinsiya

7-days lockdown ipaiiral sa San Jose del Monte City

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
7-days lockdown ipaiiral sa San Jose del Monte City
Ang mga taga-lungsod na nagtatrabaho sa Metro Manila at karatig na lugar na nasa labas ng San Jose del Monte ay pinapayuhan na maghanap ng pansamantalang matutuluyan dahil hindi na sila papayagang makapasok muli sa lungsod kapag sila ay lumabas habang umiiral ang lockdown.
Michael Varcas

BULACAN , Philippines — Pagpatak ng eksaktong alas-12:00 ng madaling araw ng Agosto 10 (Lunes), ipatutupad ang pitong araw na total lockdown sa buong siyudad ng San Jose del Monte, dito sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni Mayor Arthur Robes ng CSJDM kasunod ng ginanap na pulong kasama ang mga opisyal ng lungsod kahapon.

Ayon kay Robes, tanging mga doktor at health care workers lamang ang papayagang makapasok sa nasabing lungsod simula sa Lunes, Agosto 10.

Ang mga taga-lungsod na nagtatrabaho sa Metro Manila at karatig na lugar na nasa labas ng San Jose del Monte ay pinapayuhan na maghanap ng pansamantalang matutuluyan dahil hindi na sila papayagang makapasok muli sa lungsod kapag sila ay lumabas habang umiiral ang lockdown.

Sinabi pa ni Robes na gagawing mas mahigpit ang pagbabantay ng mga militar at frontliners sa mga walong inilatag na designated checkpoints.

Titiyakin ng mga nakatalagang frontli­ners sa mga nasabing checkpoints na walang makakalabas at makakapasok sa loob ng siyudad sa pitong araw na lockdown na magtatapos sa August 18.

Ang nasabing strict containment ng lungsod ay bunsod ng dumara­ming kaso ng COVID-19 na sa ngayon, ayon sa City Health Office ng San Jose del Monte ay nasa 215 na ang active cases ng COVID-19 habang nasa 19 na ang namatay.

Nilinaw ni Robes na mananatiling bukas ang palengke ng lungsod at mga pangunahing establisyamento upang mapagsilbihan ang mga mamamayan.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with