^

Probinsiya

Trader at kaibigan sinalvage, itinapon sa tulay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Kapwa patay ang isang negosyante at kanyang kaibigan nang matagpuan sa ilalim ng isang tulay na hinihinalang mga biktima ng salvage sa Brgy. Iraga, Solana, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ang mga biktima na sina Joseph Vincent Frogoso, may-ari ng pansitan na nasa tapat lang ng Police Region 2 Office sa lungsod na ito at kaibigan niyang si Merwin Adrian Balisi.

Sa ulat ng pulisya, kapwa nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at may bakas ng tortyur ang katawan ng mga biktima.

Ang mga bangkay ay natagpuan ni Konsehal Edilberto Edillo matapos niyang malanghap ang nangangamoy nilang katawan mula sa kanyang bahay sa Brgy. Iraga dakong alas-2:00 ng hapon.

Nabatid na kilala at maraming suking pulis sa hanay ng mga kainan sa tapat ng kampo si Frogoso.

Tinitingnan na ng pulisya ang motibo sa krimen kung may kaugnayan ito sa negosyo, personal na alitan at ilegal na droga.

vuukle comment

TRADER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with