2 ‘tulak’ huli sa higit P1 milyong droga
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher  matapos masamsaman ng mahigit P1-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Guiwa St., Sitio Airwolf, Brgy. Pulung Maragul, dito noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni City Intelligence Unit commander P/Major Daryl Gonzales, kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Mercado, 39, may asawa na halos isang linggo pa lamang naninirahan sa nasabing lugar at itinuturing na high value target at ang kasabwat umano nitong si Abegail Arcanghel, 29, ng Maharlika, Brgy. Dau, Mabalacat City.

Pinamunuan ni City Police director, Col. Joyce Patrick Sangalang ang joint forces ng City Intelligence Unit, Police Station 3, Police Station 1,City Mobile Force Company at Angeles City Police Drug Enforcement Unit ang buy-bust laban sa mga suspek kung saan isang pulis ang nagsilbing poseur buyer.

Nang magpositibo ang transaksyon, agad na dinakma ng mga pulis ang dalawang suspek habang nagkakaabutan ng droga. Nasamsam sa kanila ang nasa 175 gramo ng hinihinalang shabu na may street value P1,190,000.00 at marked money na ginamit sa buy-bust.

DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with