^

Probinsiya

Trader niratrat sa loob ng store

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Sabog ang ulo at butas-butas ang katawan ng isang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki na nagkunwaring kustomer habang nasa loob ng kanyang sari-sari store sa Purok Maulawin, Barangay Isabang, dito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Ambrosio Abella Jr., 36-anyos, may asawa habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na ayon sa mga saksi ay nakasuot ng puting jacket at helmet at tinatayang may taas na 5’7”.

Dakong alas-6:45 ng gabi habang inihahanda na ng biktima ang pagsasara ng kanyang tindahan nang dumating ang suspek na sakay ng isang motorsiklo at nagkunwang bibili ng sigarilyo.

Nang makakuha ng tiyempo ay doon na pinaulanan ng punglo ng suspek ang biktima saka pinasibad ang sasakyan patungo sa city proper.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with