2 drug pusher nanlaban, todas
Unang napaslang sa Brgy. Kinale sa bayan­ ng Polangui ang suspek na si Jay General Mella, 37, residente ng Brgy. Basud at dati nang nahuli sa drug operation noong nakaraang taon.
Edd Gumban, file
2 drug pusher nanlaban, todas
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dalawang tulak ng droga ang nasawi nang pumalag ang mga ito sa magkahiwalay na drug buy-bust opera­tion sa bayan­ ng Polangui, Albay at sa Iriga City, Camarines Sur, kamakalawa.

Unang napaslang sa Brgy. Kinale sa bayan­ ng Polangui ang suspek na si Jay General Mella, 37, residente ng Brgy. Basud at dati nang nahuli sa drug operation noong nakaraang taon.

Sa ulat, alas-3:00 ng hapon sa halip na sumuko ay bumunot umano ng kanyang kalibre 38 baril si Mella at pinutukan ang papa­lapit na operatiba dahilan para gumanti at ma­puruhan ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nasawi. Nakuha sa kanya ang 10-sachet ng shabu.

Patay rin ang isang Dian Wekiz Pascual, na itinuturing na nasa provincial drug watchlist ma­tapos na pumalag at makipagbarilan sa mga pulis sa ginawang search warrant operation sa ka­ni­lang bahay sa Brgy. Sta. Cruz, Iriga City dakong alas-8:00 ng gabi.

Narekober mula sa kanya ang Kalibre 38 baril at ilang sachet ng shabu.

DROGA DRUG OPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with