P80 milyong smuggled na sigarilyo at face masks nakumpiska
Ang operasyon ng BOC ay bilang pagprotekta sa mga konsyumer na Pilipino sa panganib dulot ng mga pekeng produkto para sa kalusugan ngayong panahon ng pandemya at paghahabol sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis sa mga produktong ipinapasok sa bansa.
STAR/File
P80 milyong smuggled na sigarilyo at face masks nakumpiska
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

BULACAN, Marilao, Philippines — Aabot sa P80 mil­yong halaga ng mga si­garilyo at face masks na ilegal na ipinasok sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs sa ginawang pagsalakay sa isang bodega sa Bulacan nitong nakaraang Miyerkules.

Sinalakay ng mga tauhan ng Enforcement­ and Security Services Quick Reaction Team (ESS-QRT) at Customs­ Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang bodega sa may Barangay Sta. Rosa, Marilao sa naturang pro­binsya sa bisa ng Letter of Authority­ (LOA) na inilabas ni BOC Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero at nadiskubre ang nasa 1,000 master cases ng iba’t ibang sigarilyo kabilang ang brand na Marlboro at nasa 648 kahon ng N95 face masks na kinopya ang logo at disenyo sa mga sikat na fashion brands.

Ang operasyon ng BOC ay bilang pagprotekta sa mga konsyumer na Pilipino sa panganib dulot ng mga pekeng produkto para sa kalusugan ngayong panahon ng pandemya at paghahabol sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis sa mga produktong ipinapasok sa bansa.

CIGARETTES FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with