Ginang pinatay ng kapitbahay na kaaway
Ang nasawi ay kinilalang si Susan Regencia, 42, habang ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Jodefredo Adique at hindi pa nakikilalang ka­sama nito.
STAR/File
Ginang pinatay ng kapitbahay na kaaway
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang babaeng magsasaka matapos na patraydor na pagsasaksakin ng kapitbahay na lalaking nakaalitan niya sa Sitio Cambulayat, Barangay Ilayang Tayuman, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Susan Regencia, 42, habang ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Jodefredo Adique at hindi pa nakikilalang ka­sama nito.

Ayon sa pulisya, alas-10:00 ng gabi ay nag­lalakad patungo sa ka­nilang bahay ang biktima at mister na si Lemuel matapos na makipanood ng TV sa kapitbahay na lingid sa ka­nilang kaalaman ay nag-aabang sa kanila ang mga suspek at nang bahagya silang nakalampas ay inundayan nang sunud­sunod na saksak ang biktima.

Binalingan naman ng isa pang suspek si Lemuel, subalit mabilis itong nakatakbo at makalipas ang kalahating oras ng bumalik siya sa lugar na pinag-iwanan sa asawa ay nakita niya itong naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

Bago ang insidente, pinagbabantaan umano ng suspek ang biktima matapos na hindi magkasundo sa barangay nang sila ay papagharapin sa baran­gay justice.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with