5 miyembro ng pamilya minasaker
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

ZAMBOANGA DEL NORTE, Philippines — Lima na mi­yembro ng isang pa­milya ang patay matapos pagbabarilin at sunugin ang kanilang bahay ng mga grupo ng kalalakihan sa Siocon, Zamboanga Del Norte.

Nakilala ang mga bik­­tima na sina Carlito Advincula Aban, 60; Al­drin Berdanio Aban, 20; Shannyn Cris Berdanio Aban, 17; Stephen Advincula Aban, 13; at Ro­salia Navales Quirit, 45, pawang taga Sitio Padaun, Brgy. Candiz, Siocon Zamboanga Del Norte.

Ayon kay BGen. Jesus D. Cambay Jr., Re­gional Director, PRO9, 12:40 ng madaling araw nang maganap ang panununog at pamamaril sa Sitio Padaun, Brgy. Candiz, Siocon, Zamboanga.

Sa ulat, nagawa pang makatawag ni Al­drin Aban sa kanyang kapatid na si Tairon na sinugod umano ang kanilang bahay ng isang Elpidio Obiniana alyas Balondong na kasama ang ilang hindi nakikilang mga suspek.

Agad naman nagtungo ang mga otoridad­ sa nasabing lugar ngu­ni’t nang dumating ang mga ito ay tupok na ng apoy ang bahay at nang  siyasatin ay natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Naniniwala ang mga otoridad na matagal ng alitan ang motibo ng pag­patay sa mag-anak.Nagsagawa na ng man­hunt operation laban sa mga tumatakas na mga salarin.

MASAKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with