^

Probinsiya

Mayor ng Ilagan City, misis at anak positibo sa COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 ang mayor ng Ilagan City sa lalawigang ito pati na ang misis at anak nito sanhi upang isailalim ang kanyang lungsod sa enhanced community quarantine (ECQ) mula kahapon hanggang sa Agosto 12.

Sinabi ni Mayor Josemarie Diaz na posibleng nakuha nilang mag-anak ang virus sa paglilingkod sa mga ma­mamayan sa lungsod sa gitna ng nararanasang pandemya.

Nagpositibo ang mi­sis nitong si Evelyn Diaz na Sectoral Representative sa Konseho at anak nitong Konsehal na si Jayvee Diaz.

Inamin naman ni Diaz na nangangamba siya sa insidente ng local transmission sa lungsod gaya ng pagkakahawa kamakalawa ng tatlo pang kababayan sa isang virus carrier sa katabing bayan ng Gamu.

Inihayag din ni Diaz ang pangamba sa mga kababayan na kanyang nakadaupang palad at mga kawani sa City Hall na kasama sa tra­baho na maaring naha­wa sa virus kaya’t isi­nailalim niya sa lockdown ang City Hall para dumaan sa disinfection.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with