Criminology stude utas sa palo ng kagawad
Sa paunang imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang biktimang si Isa­gani Ilagan at angkas­ na kaibigan nang bu­mangga sila sa barrier sa kalsada sa area ng Ma­naog.
STAR/ File
Criminology stude utas sa palo ng kagawad
Cesar Ramirez, Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na criminology student ang patay habang sugatan ang kanyang kaibigan­ nang pagpapaluin ng isang kagawad sa Ma­naoag, Pangasinan, iniulat kahapon.

Sa paunang imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang biktimang si Isa­gani Ilagan at angkas­ na kaibigan nang bu­mangga sila sa barrier sa kalsada sa area ng Ma­naog.

Ayon kay Anna Pauline, kapatid ni Ilagan na nabangga ng kanyang kapatid ang barandilya kaya hinarang siya at angkas ni Brgy. Kagawad Roden Padilla. Pinaupo umano ng kagawad ang dalawang biktima at dito na sila pinagpapalo sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan nagtamo ng matinding pinsala si Isagani na kanyang iki­nasawi.

Itinanggi naman ni Padilla ang krimen at sinabing hindi niya ma­gagawa ang bintang dahil paralisado ang isa niyang kamay.

Sa panayam naman­ kay P/Major Angelo Ca­muyot, hepe ng Sta. Barbara Police, nagsasa­gawa na sila ng malali­mang imbestigasyon sa pagkamatay ni Ilagan at pagkakasugat ng kaibigan nito na kapwa residente ng Brgy. Minien, Sta. Barbara, Pangasinan.

Sinabi ni Camuyot na base sa pahayag ni Pa­dilla, habang pinagpapahinga niya ang dalawang biktima matapos na mabangga ang barrier ay bigla­ na lamang umanong ki­nuha ng dalawa ang kanyang traysikel kung kaya’t hinabol niya ang mga ito at nang abutan sa Brgy. Leet, Sta. Barbara ay napalo niya si Ilagan sa balikat hanggang sa tumakbo na ang dalawa at tumalon sa creek.

CRIMINOLOGY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with