73 Chinese POGO workers, 3 Pinoy nalambat sa raid
Huli sa akto ang 73 Chinese at tatlong Pinoy na nagsasagawa ng illegal online gambling sa isinagawang raid ng pulisya sa Villa Saturnina Hotel and Resort sa Brgy. Rapuli, Santa Ana, Cagayan kamakalawa.
73 Chinese POGO workers, 3 Pinoy nalambat sa raid
Doris Franche, Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY MANILA, Philippines — Arestado ang 73 Chinese nationals at tatlong Pilipinong kasabwat matapos mabuwag ng mga awtoridad ang ille­gal na operasyon ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa ginawang pagsalakay sa loob ng Villa Saturnina Hotel and Resort sa Brgy. Rapuli, Santa Ana, Cagayan noong Martes.

Sinabi sa PSN ni Ca­gayan Police director Col. Ariel Quilang na tinutugis pa nila ang pinuno ng pa­sugalan na si Frank Yu na nasa lalawigan lamang.

Kasamang nadakip ng 73 Tsino na walang maipakitang dokumento at pasaporte ang mga Pinoy na sina Erwin Digol, Alexis Isaac Ferro at Mylene Tuazon.

Ayon sa report, isinagawa ang paglusob sa illegal POGO operation dakong alas-9:30 ng gabi matapos magpalabas ng search warrant si Judge Ni­canor Pascual Jr. ng Aparri Regional Trial Court. — Victor Martin

Ayon kay Quilang, walang pahintulot sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang na­turang POGO operation. Nasamsam sa lugar ang 103 laptop at desktop com­puters at mga wifi gadgets.

Sinabi ni Major Joe­fersson Gannaban ng Ca­gayan Police Office na inaalam nila sa Bureau of Immigration ang estado ng pananatili ng mga nahuling Tsino sa bansa.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with