3 pastor tinamaan ng COVID-19
Ayon sa City Health Office (CHO), naunang tina­maan ng virus ang pinuno na nasa Baguio City kung saan siya isinailalim ngayon sa isolation.
Artemio Dumlao/File
3 pastor tinamaan ng COVID-19
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Nahawa sa dumalaw na spiritual leader

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong pastor­ ng isang relihiyon ang nagpositibo sa COVID­-19 matapos mahawa sa kanilang spiritual leader sa Tabuk­ City, Kalinga kahapon.

Ayon sa City Health Office (CHO), naunang tina­maan ng virus ang pinuno na nasa Baguio City kung saan siya isinailalim ngayon sa isolation.

Matatandaan na dumalaw ang pinunong espiri­tuwal sa Tabuk City noong nakaraang buwan upang maging tagapagsalita sa seminar ng kanilang simbahan gayong ipinagbabawal ang malalaking bukluran sa ilalim na umiiral na health protocol.

Ayon sa CHO, 50 katao pa na dumalo sa religious gathering ang inoobserbahan nila sa malamang na pagkahawa sa virus.

Ang mga nagpositibong Pastor ay pawang taga Barangay Ipil samantala dalawa sa kanila ay mula Barangay Bulanao Norte.

Ayon sa CHO nanatili sa Quarantine sa pribadong eskwelahan ng samahan sa Tabuk City ang tatlo mula huling linggo ng Hulyo at sumailalim sa swab test noong Agosto 1.

Kahapon ay lumabas ang positibong resulta sa tatlo na pawang asymptomatic at inilipat sila ng awtoridad sa City Health Facility sa Barangay Agbannawag.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with