Baguio City Hall ipinasara ni Magalong
Raymund Catindig, Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —  Sinuspinde ka­hapon ang operasyon ng Baguio City Hall matapos iutos ni Mayor Benjamin Magalong na ipasara ito ng dalawang araw kasunod ng 16 na bagong kaso ng CO­VID-19 kabilang ang tatlong kawani ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Magalong, ang lockdown sa City Hall ay mananatili hanggang Huwebes, Agosto 6.

Pangunahing apektado sa utos ni Magalong ay ang paghinto sa pagpapalabas ng mga travel autho­rity sa PFVR Gymnasium kung saan ito pinoproseso at dito rin nakatalaga ang tatlong kawani na tinamaan ng virus.

Aniya, isasagawa sa lockdown ang disinfection ng gymnasium at City Hall upang masawata ang pag­kalat ng virus.

Pinayuhan ni Magalong ang mga taong nagtungo sa gymnasium simula noong Hulyo 29 na sumailalim sa self-quarantine upang hindi na nila maipasa sa iba ang virus sakaling nakuha nila ito.

Umabot na sa 129 ang COVID cases sa Baguio City kung saan nasa 64 ang nakarekober habang tatlo ang nasawi.

CO­VID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with