Mag-utol na NPA officer sumuko
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Sumuko ang mag-utol na kapwa me­dical officer ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Nueva Viz­caya, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Col. Ri­chard Saavedra, provin­cial police director ng Nueva Vizcaya ang dalawang sumukong rebelde sa mga alyas na “Ka Cain”, 28, at “Ka Abel”, 25, na kapwa taga-Villa­verde sa nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Abel, me­dical officer at miyembro ng Team Dos, Squad Dos Platoon Dos of Da­nilo Ben Command ng Komiteng Larangan ng West Cagayan, hinikayat siyang pumasok noong 2014 matapos makilahok sa isang rally sa Manila.

Si Cain ay pumasok naman noong 2015 na ang tanging pakay ay para hanapin sana ang kanilang mga magulang at isa pang kapatid na sumapi rin sa nasabing kilusan. Lingid sa kaalaman nito, nauna na palang pu­masok ang nakababatang kapatid na si Abel na sa buong akala niya ay nasa Manila lamang na nagtatrabaho.

Sinabi ni Cain na sa loob ng limang taon sa kilusan, hindi niya nakita o natagpuan ang mga magulang, isa pang ka­patid at maging ang utol na si Abel.

Ayon kay P/Lt. Col. Samson Kimayong, pinuno ng Provincial Mobile Force Company, unang sumuko sa pu­lisya si Cain at sa loob ng ma­raming taon na hindi pagkikita ay muling nagtagpo ang magkapatid nitong Hulyo 29 nang sumunod na sumuko si Abel.

Sinabi ni Nueva Vizcaya Vice Gov. Jose Tomas Sr., na tutulungan niya ang dalawang rebel returnees para maipagpatuloy ang kanilang pag­babagong buhay.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with