Nagpahilot na bebot nakahawa pa ng 3
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matapos maka­hawa ng isang 83-anyos na lolang manghihilot, isang 3-anyos na bata at dalawa pang mister na nakasa­lamuha ng isang babaeng may COVID ang nagposi­tibo sa virus sa Gamu, Isabela kahapon.

Ang tatlong bagong kaso ay nakagimbal sa Department of Health (DOH) na una nang nagpahayag ng pangamba sa mangyayaring “community transmission” sa nasabing bayan.

Sa kasalukuyan, may anim na COVID-19 cases na sa lugar subalit hinihintay pa ang pagdeklara doon ng awtoridad ng lockdown upang masawata ang pagkalat ng virus.

Nauna rito, nahawaan ng nasabing 50-anyos na babae ang nasabing lolang mahihilot na dinayo pa nito sa bayan ng Reina Mercedes upang magpamasahe makaraang manakit ang kanyang kalamnan.

Ang tatlong bagong kaso sa Gamu ay kabilang sa 15 kaso sa Cagayan Valley na kinumpirma ng DOH kahapon kaya umabot na sa kabuuang 371. Anim dito ay sa Isabela, walo sa Cagayan at isa sa Nueva Viscaya.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with