Turismo sa Baguio City bubuksan na sa Setyembre
Sinabi ni City Mayor Benjamin Magalong na sa ilalim ng bagong sistema; limitado at bilang lamang ang maaaring makakuha ng pahintulot na makapasok sa lungsod upang maiwasan ang mabigat na pagdagsa ng bisita.
Artemio Dumlao, file
Turismo sa Baguio City bubuksan na sa Setyembre
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Matapos ang ilang buwang pagsasara ng tarangkahan ng Baguio City sa mga turista dahil sa community quarantine bunsod ng COVID-19, inianunsyo kahapon ng lokal na pamahalaan na bubuksan na rin ang kanilang turismo sa susunod na buwan.

Nabatid na ang planong pagbubukas sa Pine City sa kanilang turismo sa Setyembre ay panga­ngasiwaan ng Baguio VIS.I.T.A. (Visitor Information & Travel Assistance) na ilulunsad ngayong buwan.

Sinabi ni City Mayor Benjamin Magalong na sa ilalim ng bagong sistema; limitado at bilang lamang ang maaaring makakuha ng pahintulot na makapasok sa lungsod upang maiwasan ang mabigat na pagdagsa ng bisita.

Aniya, ang mga bisita ay kailangang magsumite ng online application sa VIS.I.T.A. bago makipag-ugnayan sa accredited tour operators na magpapalabas ng kanilang travel itinerary at tour accommodations. Kapag nakarating na sa Baguio, ang bisita ay sasailalim sa health triage at PCR testing na sila ang magbabayad.

Ayon kay Magalong, kailangan munang humimpil sa hotel ang bisita ng may 9 na oras habang hinihintay ang resulta ng isinagawa sa kanyang swab test para sa COVID-19.  Aniya, ang mga hotel at tourist operators ay kailangang may accreditation ng Department of Tourism.

BAGUIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with