^

Probinsiya

Bayan sa Mountain Province isinara sa mga turista

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Bayan sa Mountain Province isinara sa mga turista
Batay sa Executive Order No. 18 s. 2020 na may petsang Hulyo 28, 2020, sinabi ni Mayor Gabino Ganggangan na ang mga turistang daraan sa lugar na nasasakupan ng Sadanga patungo sa karatig bayan ng Buscalan at Tinglayan sa Kalinga o vice versa ay hindi palulusutin o padaraanin, bagkus ay pababalikin sila sa kanilang place of origin o pinanggalingan.
File

Ginagawang transshipment routes ng droga, armas

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Naglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng Mountain Province na nagbabawal sa lahat ng mga turista na dumaan sa bayan ng Sandanga patungong lalawigan ng Kalinga para maiwasan ang pagpupuslit ng ilegal na droga.

Batay sa Executive Order No. 18 s. 2020 na may petsang Hulyo 28, 2020, sinabi ni Mayor Gabino Ganggangan na ang mga turistang daraan sa lugar na nasasakupan ng Sadanga patungo sa karatig bayan ng Buscalan at Tinglayan sa Kalinga o vice versa ay hindi palulusutin o padaraanin, bagkus ay pababalikin sila sa kanilang place of origin o pinanggalingan.

Maging ang mga turista na dumarayo sa sikat na tattoo artist na si Apo Wang-od ay hindi na rin palulusutin kung daraan sila sa Sadanga.

“As an alternate route, it is informed and directed that all tourist visi­ting Tattoo Artist Wa­ng-od shall pass through Tabuk City thence to Buscalan or to other barangays of Tinglayan Municipality and vice versa,” nakasaad sa nasabing EO.

Lumalabas din na karamihan sa mga malalaking drug operation ng pulisya ay mga turista ang nahuhuli na nagbibiyahe ng malalaking volume ng marijuana na ginagawang transshipment route ang Sadanga mula Kalinga.

Ayon kay Ganggangan, ang mga turista ay nagkukunwari na bibisita lalo na kay Apo Wang-od na kilala sa pagta-tattoo sa buong mundo, subalit sila ay mga marijuana traders na nagpapasok din ng iba pang ilegal na droga tulad ng shabu sa lalawigan. 

vuukle comment

BARIL

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with