^

Probinsiya

Magpinsan ‘di nagyaya sa inuman, inutas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Magpinsan �di nagyaya sa inuman, inutas
Dead-on-arrival sina Rolly Herida, 45, at Alberto Herida, 43, kapwa ng Sitio Nabitasan, Brgy. Tipacla, Ajuy, Iloilo dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril samantalang ginagamot naman si Primitivo Herida, 65, na nasugatan sa insidente.

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi pagyaya sa inuman, isang magpinsan ang pinatay habang isa pa ang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng kanilang kalugar kamakalawa ng gabi sa Iloilo City.

Dead-on-arrival sina Rolly Herida, 45, at Alberto Herida, 43, kapwa ng Sitio Nabitasan, Brgy. Tipacla, Ajuy, Iloilo  dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril samantalang ginagamot naman si Primitivo Herida, 65, na nasugatan sa insidente.

Nakatakas naman ang salarin na si Romeo Balino Jr., 37, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Batay sa report ng Ajuy Municipal Police Station, naganap ang insidente sa bahay ni Primitivo. Nagkita umano ang mga biktima at suspek sa isang tindahan at parehong bumibili ng alak pero habang nagbabayad ng kanilang binili, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang suspek at mga biktima.

Dito na bumunot ng baril ang suspek at itinutok sa mga biktima pero naawat ng may-ari ng tindahan at kinumpiska ang armas ng una. Dito, umalis na ang mga biktima at nagpatuloy sa inuman sa bahay ni Primitivo kaya hindi na nila niyaya ang kaalitang suspek na mag-isa na lamang nag-inom.

Makalipas ang ilang minuto, kinuha ng suspek ang kanyang baril at sinundan ang magpipinsan saka niya pinagbabaril.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with