^

Probinsiya

Ex-convict dinos-por-dos ng ‘kakosa’ tigok

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa nawawalang pera

CATANAUAN, Quezon, Philippines — Pinaghahataw ng dos-por-dos hanggang sa mapatay ang isang ex-convict ng kanyang dating kakosa na na­ging bestfriend habang nasa piitan dahil sa nawawalang pera kamakalawa ng hapon sa Sitio Bukang Liwayway, Brgy. Matandang Sabang.

 Ang biktima na nabasag ang bungo at mukha ay kinilalang si Elvin Llanita, 26, binata samantalang naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Joelito Astorias, 37, binata.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naging matalik na magkaibigan ang dalawa sa loob ng kulungan at nang kapwa lumabas noong nakalipas na buwan ay nakiusap ang biktima sa ama ng suspek na maninirahan siya sa kanilang bakanteng bahay. Subalit kamakalawa ng hapon ay kinompronta ng suspek ang biktima tungkol sa nawawalang pera ng kanyang amang si Severino.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo, kumuha ng dos-por-dos ang suspek saka sunud-sunod na hinataw ang kaibigan at mabilis na tumakas gayunman ay nadakip kinalaunan.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with