Sagupaan sumiklab: 7 rebelde, 5 sundalo utas!
Hindi muna tinukoy ni Major Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, pasado alas-11 ng tanghali habang nagsasagawa ng security patrol sa liblib na lugar ng Brgy. Taong sa Patikul, Sulu ang tropa ng militar nang masabat nila ang mga miyembro ng ASG hanggang sa magkaengkuwentro sanhi upang mapaslang ang anim na bandidao pero tatlong sundalo ang nalagas na hindi pa pinangalanan habang tatlo pang kasamang sundalo ang nasugatan na ginagamot na sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital.
STAR/ File
Sagupaan sumiklab: 7 rebelde, 5 sundalo utas!
Jorge Hallare, Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Kasabay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha

MANILA, Philippines — Anim na hinihinalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), limang sundalo at isa pang amazona ang patay habang tatlo pa sa tropa ng gobyerno ang nasugatan matapos ang magkahiwalay na engkuwentro sa Sulu at Sorsogon kasabay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha o “Feast of Sacrifice” ng mga kapatid na Muslim nitong Biyernes.

Hindi muna tinukoy ni Major Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, pasado alas-11 ng tanghali habang nagsasagawa ng security patrol sa liblib na lugar ng Brgy. Taong sa Patikul, Sulu ang tropa ng militar nang masabat nila ang mga miyembro ng ASG hanggang sa magkaengkuwentro sanhi upang mapaslang ang anim na bandidao pero tatlong sundalo ang nalagas na hindi pa pinangalanan habang tatlo pang kasamang sundalo ang nasugatan na ginagamot na sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital.

Samantala, patay rin ang dalawang sundalo na sina Cpl. Arnel Divinagracia, 30, binata ng Brgy. Pinamaniguihan, Ligao City, Albay at Pfc. Greyan Andus, 27, binata ng Brgy. Modern, Pili, Camarines Sur; kapwa kasapi ng 22nd Infantry Battalion ng Philippine Army at isang ‘di pa kilalang babaeng kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkuwentro sa Brgy. Daganas sa Bulan, Sorsogon dakong alas-5:28 ng hapon.

Ang napaslang na amazona ay kasapi umano ng Komiteng Probinsya 3 ng Bicol Regional Party Committee na pinamumunuan ng isang Arnel Estiller alyas “Ka Mando”.

Naganap ang engkuwentro habang nagsasagawa ng security patrol operation ang mga sundalo mula sa 22nd-IB at 31st-IB ng 9th Infantry Division, PA sa pangunguna ni 1st. Lt. Jonathan Baay nang makasagupa nila ang mga rebelde na tumagal ng 45 minuto sa Brgy. Daganas, Dulan. Nabawi sa lugar ang isang M60 machine gun, M16 armalite rifle, mga pampasabog, subersibong dokumento at personal na gamit ng mga rebelde.

ASG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with