3 mataas na opisyal ng NPA nabitag
Kinilala ni 2nd Lt. Giselle Pacquiao, acting civil military operations (CMO) officer ng 79th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang mga naaresto na sina Cristel Abordo alyas “Ka Dulay/Matt”, regional communication at intelligence staff ng Kilusang Rehiyon ng NPA; Mary Dem Forones alyas “Ka Nancy/Mia”, regional intelligence secretary at Rossie Enyong alyas “Ka Digna/Lemay”, Samahang Yunit Pampropaganda platoon leader na pawang aktibong kumikilos sa rehiyon ng Negros.
STAR/ File
3 mataas na opisyal ng NPA nabitag
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar kasunod ng pagkakabitag sa tatlong matataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Minapasok, Calatrava, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ni 2nd Lt. Giselle Pacquiao, acting civil military operations (CMO) officer ng  79th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang mga naaresto na sina Cristel Abordo alyas “Ka Dulay/Matt”, regional communication at intelligence staff ng Kilusang Rehiyon ng NPA; Mary Dem Forones alyas “Ka Nancy/Mia”, regional intelligence secretary at Rossie Enyong alyas “Ka Digna/Lemay”, Samahang Yunit Pampropaganda platoon leader na pawang aktibong kumikilos sa rehiyon ng Negros.

Bandang alas-5 ng hapon nang masakote ang tatlo sa operasyon ng 79th IB at lokal na pulisya sa Sitio Victory, Brgy. Minapasok, Calatrava, Negros Occidental.

Ang NPA rebels ay inireklamo ng pangongotong ng mga residente sa nasabing lugar sa gitna ng kanilang nararanasang paghihirap dulot ng krisis sa COVID-19.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga nadakip ang isang M14 rifle, tatlong 38 revolver, apat na rifle grenade, walong cellular phones, medical supplies at mga subersibong dokumento.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with