Motor sumalpok sa truck at ambulance: 1 dedo, 1 kritikal
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isang rider ang kumpirmadong patay habang isa pa ang kritikal matapos silang sumalpok sa isang truck at ambulansya habang bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Salcedo 2, Noveleta sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Patay agad ang biktimang si Melvin Nario, 33-anyos, may asawa , production operator ng Sunrise Subd, Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite habang agaw-buhay sa ospital ang kasamang si Ronilo Bolhost Jr., 26, ng Gregoria Street, Brgy Tabon 2, Kawit, Cavite.

Hawak na ng pulisya sina Sonny Real, 44, ambulance driver, residente ng Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite at Jobert Baligod, 39, driver ng Isuzu forward truck at residente ng Calauan, Laguna.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Armine Matro, alas-10:14 ng gabi habang magkaangkas ang dalawang biktima sa isang Yamaha Mio Soul I MC na may kabi­lisan ang takbo patungong Noveleta town proper nang sumalpok sila sa Isuzu forward truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada. Mabilis pang nagdire-diretso ang motorsiklo ng mga biktima sa gitna ng kalsada dahilan upang bumangga pa sa paparating na ambulansya na minamaneho ni Real.

Tumilapon ang dalawang biktima at wasak ang kanilang motorsiklo. Inabot pa ng mahigit kalahating oras bago pa nadala sa ospital ang dalawa subalit idineklarang dead-on-arrival si Nario.

DEDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with