Parak itinumba ng tandem
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines Pinabulagta ng dala­wang ‘di pa kilalang  salarin ang isang police officer habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo at papunta sa presinto sa Narciso Highway, Brgy. Ragayan, Marantao, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ni Lanao del Sur Police Provincial director Col. Madzgani Mukaram ang nasa­wing pulis na si Staff Sgt. Alicman Sangcopan, 46, at miyembro ng Kapai Municipal Police pero nakatalaga sa Marawi City Police Station. Siya ay dead-on-the-spot sa insidente.

Sinabi ni Mukaram na habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima para mag-duty nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng magkahiwalay na motorsiklo dakong alas-7:00 ng umaga.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa nasabing pulis at hindi naman ginalaw ng mga suspek ang kanyang service firearm. 

STAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with