84-anyos lola patay sa COVID-19 sa Abra
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines – Bumigay na ang isang 84-anyos na lola habang ginagamot sa ospital na naging kauna-unahang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa lalawigan ng Abra noong Biyernes.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Ma. Cristina Valera, dalawang linggong naki­pambuno kay kamatayan ang matanda sa Abra Provincial Hospital isolation unit mula nang makumpirmang positibo siya sa virus noong Hulyo 19.

Aniya, ang lola ay isang locally stranded individual (LSI) na duma­ting sa bayan ng Danglas mula Antipolo City noong Hulyo 15 at agad nakitaan ng matinding sintomas ng karamdaman.

Nalagutan ng hi­ninga ang lola dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa at itinakdang ilibing sa loob ng 12-oras alinsunod sa umiiral na health protocol ng pamahalaan sa mga nasawi sa COVID.

Ang Abra ay may 20 kaso ng COVID-19, 10 dito ang nakarekober habang isa na ang patay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with